Nangako ang pamahalaan ng Japan ng P90 bilyong pisong tulong para maiayos ang kalagayan ng transportasyon sa bansa.
Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Albert del Rosario, ito ay para sa pagpapatayo ng 37 kilometrong commuter railway mula sa Malolos, Bulacan, patungo sa Tutuban, Maynila.
Maliban dito, gagamitin din ang naturang pondo para sa pag-aayos ng transport sector sa Maynila.
Ang pangakong tulong ay sinabi ni Japan State Minister for Foreign Affairs Minoru Kiuchi, kay del Rosario, sa naganap na ASEAN Ministerial Meeting sa Kuala Lumpur, Malaysia.
By Katrina Valle | Allan Francisco