Tinamaan ng magnitude 5.7 na lindol ang Japan ilang oras matapos mag-landfall ang bagyong hagibis.
Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), naitala ang sentro ng lindol sa Chiba Prefecture na may lalim na 80 kilometro.
Sa hiwalay namang kalatas ng US Geological survey, natunton ang epicenter sa Timog-Timog Silangan ng Kutsuura City.
Wala namang naitalang nasaktan o nasirang mga ari-arian at wala ring inilabas na tsunami warning sa naturang pagyanig.