Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang hilagang bahagi ng Japan ngayong umaga.
Batay sa datos ng Japan Meteorological Agency, naitala ang episentro ng pagyanig sa rehiyon ng Soya na nasa Northern island ng Hokkaido.
May lalim itong tatlong kilometro na sinukat ng National Research Institute for Earth Science and Disaster Reliance.
Wala namang tsunami alert na inilabas ang Japanese government dahil sa lindol na hindi rin nagdulot ng pinsala.