Paiikliin ng Japanese government ang quarantine period sa mga vaccinated travelers na papasok sa kanilang bansa simula October 1.
Ayon sa pamahalaan ng Japan, mula sa 14 days quarantine period ng mga travelers ay ibababa na ito sa sampung araw na self-isolating.
Sa naging pahayag ni Chief Cabinet Secretary Katsunobu Kato, papayagan lamang makapasok ng bansa ang mga fully vaccinated ng pfizer inc., moderna inc. or astrazeneca pharmaceutical industry company at dapat ay may vaccine passport.
Sinabi din ni Katsunobu na binibigyan nila ng konsiderasyong makapasok ang bawat isa pero nakadepende parin sa COVID-19 situation ng mga bansa. — sa panulat ni Angelica Doctolero