Muling nahalal si Shinzo Abe bilang Prime Minister ng Japan sa katatapos lamang na parliamentary election sa Lower House ng National Diet.
Nakuha ni Abe ang mayorya ng nominasyon dahil dominado ng kanyang Liberal Democratic Party Coalition ang two-thirds ng “super majority” sa Mababang Kapulungan.
Magugunitang nagwagi ang naturang partido sa pamamagitan ng landslide votes noong Oktubre 22.
Inaasahang i-re-reappoint ng Punong Ministro ang kasalukuyang mga cabinet minister.
Isinagawa ang halalan, ilang araw bago ang pagbisita sa Japan ni US President Donald Trump.
—-