Nakatakdang makipagpulong si Japanese Prime Minister Shinzo Abe kay US President-elect Donald Trump ngayong linggo.
Layunin ng kanilang pulong na mas pagtibayin pa ang relasyon at tiwala ng dalawang bansa.
Ayon kay Abe mahalagang mabigyang diin sa kanilang pulong na mahalaga para sa diplomasya at seguridad ng Tokyo ang two-way alliance.
Nakatakda ang pulong nila Abe at Trump sa New York.
Si Abe ang kauna-unahang foreign leader na makikipagpulong kay Trump mula ng manalo ito sa US election noong November 8.
By Mariboy Ysibido