Maaari nang simulan ang phase four ng Pasig-Marikina River Channel Improvement Project.
Ito’y matapos lumagda ang Pilipinas at JICA o Japan International Cooperation Agency sa kasunduan para pondohan ng bansang Japan ang naturang proyekto.
Pinangunahan ito ng Department of Finance at ng JICA maging ng Department of Public Works and Highways.
Nakasaad sa kasunduan ang mahigit 18 bilyong pisong halaga ng ipauutang ng Japan sa bansa.
Kabilang naman sa mga dumalo sa paglagda sina Finance Secretary Carlos Dominguez, JICA Southeast Asia and Pacific Department Director General Shigenori Ogawa, Japan Embassy to Manila Minister and Consul General Atsushi Kuwabara at DPWH Secretary Mark Villar.