Apektado ng tsunami ang bansang Japan matapos makaranas ng Tsunami wave ang bansang Tonga kasunod ng pagsabog ng isang underwater volcano malapit sa Pacific Island kahapon ng umaga.
Nag-isyu ng Tsunami Warning ang Meteorological Agency sa Japan at hinimok ang halos 230K na residente na pansamantala munang lumikas sa mas mataas na lugar dahil sa banta ng tsunami.
Kabilang sa tinamaan ng tsunami ay ang Northeastern Prefecture ng Iwate at Southwestern Island ng Amami maging ang Miyagi Chiba Tokushima, Kochi, Miyazaki at Tokara sa Kagoshima Prefecture dahil posibleng umabot sa 3 metro ang taas ng nasabing Tsunami.
Sa ngayon, nasa 22 barko ang tumaob sa Kochi Prefecture habang 5 barko naman ang tumaob sa Tokushima Prefecture at isa naman sa Mie Prefecture dahil sa lakas ng impact ng tsunami sa Tonga.
Samantala, kinansela naman ang 27 biyahe sa Airports sa nasabing bansa dahil sa tsunami. —sa panulat ni Angelica Doctolero