Nagkakahalaga ng 117 Billion Yen ang ipinangakong tulong ni Japan Prime Minister Shinzo Abe kay Myanmar leader Aung San Suu Kyi.
Ayon sa tagapagsalita ng Japan Ministry ang pondong ito ay para sa pagpapatayo ng mga proyekto kabilang ang mga imprastraktura at maliit na mga kumpanyang magpapalago sa kita lalo na sa maliliit na bayan.
Bahagi din aniya ng tulong na ito sa Myanmar matapos nilang humarap sa matinding kritisismo mula sa iba’t ibang human rights group makaraang mapaulat ang sinapit ng mahigit 600,000 Rohingya refugees sa kanilang bansa.
Nagkausap si Abe at Suu Kyi sa ginanap na 31st ASEAN summit sa Pilipinas.