Nag-alok ng trabaho abroad para sa mga Pilipino sa ilang industriya ang Japan, Saudi Arabia, at Israel.
Daan-daang bakanteng trabaho sa iba’t-ibang industriya ang magagamit para sa mga Pilipinong gustong magtrabaho sa tatlong nabanggit na bansa.
Nabatid na nangangailangan ngayon ng 300 caregivers at 50 nurses ang Japan; 850 registered nurses at 50 midwives sa saudi; at 60 hotel workers at 2,000 home-based caregivers na sasahod ng 77,000 kada buwan.
Ang mga nasabing job openings ay hindi mangangailangan ng anumang placement fee sa pamamagitan ng government to government track.