Binuksan na ang dalawang kategorya sa ilalim ng 2023 Monbukagakusho scholarship na humihimok sa mga dayuhang guro at estudyante sa unibersidad na kumukuha ng Japanese studies.
Para sa teacher’s training category, ang aplikante ay dapat na may edad na 35 pababa, hindi bababa sa limang taong karanasan at nagtatrabaho bilang isang guro sa elementarya o sekondaryang edukasyon o isang teacher’s school.
Sakaling maaprubahan, popondohan ng Japan ang pag-aaral ng aplikante sa mga larangan ng educational management, educational skills at special studies sa isang unibersidad sa japan.
Ayon sa japanese embassy, ang mga mag-aaral na pilipino na may edad disi ots hanggang bente nwebe at kasalukuyang nag-aaral ng japanese studies ay eligible o karapat-dapat din para sa isang taong scholarship.
Samantala, sinabi ng embahada na ang proseso ay binubuo ng document screening, written examinations at interview. - sa panulat ni Hannah Oledan