Bukod sa China, nag-alok na rin ng tulong ang Japan para lalo pang mapaigting ang anti-illegal drug campaign ng administrasyong Duterte.
Sa courtesy call ni Katsuyuki Kawai, Special Assistant to Japan Prime Minister Shinzo Abe sa Malacañang, sinabi nito na natalakay nila ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga posibilidad kung anong tulong ang maibibigay ng kanilang bansa sa Pilipinas.
Tiwala si Kawai na kaya ng Japan na magbigay ng highest skill assistance sa Pilipinas lalo’t nakakuha na sila ng world’s highest success sa drug abuse prevention at education.
Dagdag pa ni Kawai, nagpadala na ang Japan ng research group para pag-aralan ang drug rehabilitation program sa Pilipinas.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpadala ang Japan ng research group sa labas ng kanilang bansa.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo: Katsuyuki Kawai, a special adviser to Prime Minister Shinzo Abe, tours a government-run drug rehabilitation center in Taguig in the Philippines on Monday. | REUTERS