Nagkasundo ang Japan at Vietnam na lalo pang paigtingin ang kanilang depensa sa tumitinding tensyon sa South China Sea.
Ito’y matapos palawakin pa ng China ang presensya ng kanilang militar sa pinag-aagawang teritoryo.
Batay sa ulat, napagkasunduan ng 2 bansa ang pagpapadala ng Japan ng defense equipment at technology sa Vietnam kabilang na ang patrol planes at radar.
Ayon kay Japanese Prime Minister Yoshihide Suga, maituturing na isang malaking hakbang sa larangan ng security at defense ang naturang kasunduan nila sa Vietnam at inaasahan pa umano niya itong titibay.