Ipinag-utos na ng Parañaque Regional Trial Court Branch 257 sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation ang pag-aresto sa japanese billionaire na si Kazuo Okada.
Kaugnay ito sa kasong three counts of estafa dahil umano sa pagtangay sa 3.1 million dollar salary at consultancy fees bilang chairman at chief executive officer ng Tiger Resort Leisure and Entertainment Incorporated o TRLEI nang walang pahintulot ng board of directors.
Ang Tiger Resort ang operator ng casino hotel-resort complex na Okada Manila sa Parañaque City.
Respondent din sa kaso at ipina-aaresto ang dating pangulo at chief operating officer ng TRLEI na si Takahiro Usui.
Nagtakda naman ang korte ng 348,000 peso bail para sa bawat estafa case ng mga respondent.
Disyembre 17 nang idiin ng Department of Justice sina Okada at Usui sa three counts of estafa na isinampa ng mga opisyal ng Tiger Resort.