Humingi ng paumanhin ang Japanese National Network na NHK kasunod ng pagpadala nito ng false alarm alert kaugnay ng umano’y panibagong missile launch ng North Korea.
Batay sa natanggap na mensahe ng mga cellphone users na nag-install ng NHK app, sinasabing pinalilikas umano ng Japanese government ang lahat ng mga residente dahil sa nakatakdang missile launch ng North Korea.
Agad namang binawi ng NHK ang maling message alert na kanilang naipadala.
Matatandaang una nang kumalat ang pekeng emergency alert kaugnay ng banta sa missile test sa Hawaii na nagdulot ng panic.
—-