Pormal nang ipiniroklama si Japanese Crown Prince Akishino bilang susunod na tagapagmana ng trono.
Kasunod ito ng pagkakaluklok sa kanya nakatatandang kapatid na si emperor naruhito noong nakaraang taon matapos namang magbitiw sa tungkulin ng kanilang ama.
Isinagawa ang pormal na pagdedeklara kay Crown Prince Akishino bilang first in line na tagapagmana sa trono sa pamamagitan ng isang seremonya ngayong araw.
Magugunitang, naantala ang proklamasyon ni Crown Prince Akishino na nakatakda sana noong Abril dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Batay sa batas ng Japan, tanging mga lalaki lamang ang maaaring maging tagapagmana ng trono dahilan kaya ang nag-iisang babaeng anak ni Naruhito na si Princess Aiko ay hindi maaaring mailuklok.