Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas paiigtingin pa ang pakikipagtulungan ng ating bansa sa Japan sa mga prayoridad na usapin kasunod ng working visit niya sa binansagang “Land of the Rising Sun.”
Kabilang sa mga nakapagkasunduan nina PBBM at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ay ang pagpapalakas ng relasyong pangdepensa at pangseguridad ng dalawang bansa.
Naging mabunga rin ang pakikipagmiting ni PBBM sa mga Japanese business leaders partikular sa industriya ng semi-conductor na may investment pledges na sinasabing lilikha ng mahigit sampung libong trabaho.
Samantala, inimbitahan din ng Presidente sina Emperor Naruhito at Empress Masako na bumisita sa Pilipinas matapos ang isang mainit na pagtanggap sa kanya at sa delegasyon ng bansa.
Ang parehong imbitasyon ay ipinaabot din ni Pangulong Marcos sa mga miyembro ng Japan-PH Parliamentary Friendship League.