Binisita ni Japanese First Lady Akie Abe ang mga residente ng Payatas sa Quezon City.
Ito’y bilang bahagi ng sidelights ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.
Partikular na tinungo ng Japanese first lady ang Salt Payatas Foundation Philippines, isang Japanese NGO na nagbibigay edukasyon at kabuhayan lalo na sa mga babae mula pa noong 1995.
Nakipagpulong din si Abe sa mga babaeng benepisyaryo ng nasabing NGO gayundin sa mga kabataan sa nasabing komunidad.
Sinamahan ang Japanese first lady sa nasabing lugar ng kanilang embahador sa Pilipinas na si Kazuhide Ishikawa.
By Jaymark Dagala