Nag-ikot sa Intramuros sa lungsod ng Maynila ang Imperial couple na bahagi ng kanilang 5-day state visit.
Sina Japanese Emperor Akihito at Empress Michiko ay sinalubong ng Pinoy-Nihonggo teachers na nag-aral sa Japan habang sila’y namamasyal sa Intramuros na naging bahagi ng kasaysayan ng Japan noong World War 2.
Ipinagmalaki ng mga guro ang anila’y once in a lifetime experience na makamayan at makausap si Emperor Akihito na anila’y isang mabait na lider.
Sinabi ni Florina Gil na nag-aral sa National Graduate Institute for Policy sa Japan na natutuwa si Emperor Akihito dahil napanatiling maayos ang kondisyon ng Intramuros.
By Judith Larino