Isang kwento ng Japanese man ang muling nagpatunay sa mga social media user na hindi dapat sila basta-bastang naniniwala sa lahat ng nakikita nila sa social media.
Kung ano ang ginawa ng lalaki, alamin.
Nag-trending sa isang social media platform ang babae na tinatawag na “Azusa” dahil sa kakaiba nitong hilig sa motorbikes bukod pa sa pagkakaroon nito ng napakagandang mukha na kapansin-pansin namang talaga.
Madalas na laman ng posts ni Azusa ay ang kaniyang selfies at ang pictures ng kaniyang motor. Dahil dito, hinangaan ng mga tao si Azusa at binansagan na “Japanese Goddess Biker” at “Beauty Iron Knight.”
Dahil sa paghanga ng mga tao kay azusa, nag-post na rin siya ng mga picture na ipinapakita ang iba pa niyang ginagawa bukod sa pagmomotor katulad na lang ng paglabas niya kasama ang kaniyang mga kaibigan at pagpunta sa salon.
Ngunit, mayroong isang pinost na litrato si Azusa na kung saan ay mayroong napansing kakaiba ang kaniyang followers. Sa nasabing picture ng kaniyang motor ay nahagip sa side mirror ang repleksyon ng isang matandang lalaki.
Matapos nito ay lumabas at nagsalita sa isang local TV show ang isang singkwenta anyos na lalaki na kinilalang si Zonggu at inamin na siya at si Azusa ay iisa at gumagamit lamang siya ng face-changing application.
Aniya, wala raw magkakainteres sa mga litrato ng isang middle-aged man at ng kaniyang motor kung kaya naman naisipan niya na gumamit ng face-changing app matapos mapansin na mas interesado ang mga tao sa kaniyang mga post bilang isang magandang babae.
Gayunpaman, naging mainit ang pagtanggap ng kaniyang followers sa kaniyang revelation at hanggang ngayon ay aktibo pa rin si Zonggu sa pagpo-post ng kaniyang edited photos.
Ikaw, napaniwala ka rin ba ng mga letrato ni Azusa?