Namatay ang isang dayuhang Hapon habang nag ii–snorkeling sa Oslob, Cebu.
Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang biktimang si Marinubo Kuriyama, 52 anyos.
Ayon sa kanyang snorkeling guide, hindi naging maayos ang pakiramdam ng dayuhan at bigla na lamang lumabas ang dugo sa ilong at bibig nito dahilan para hindi na ito makakilos habang nasa tubig.
Nadala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.
Hinihintay na ang mga isinagawang test para matukoy ang dahian ng pagkasawi ng biktima.