Nasa Davao City na ngayon si Japanese Prime Minister Shinzo Abe bilang bahagi ng kaniyang dalawang araw na official visit.
Mag-a-alas-10:00 kagabi nang lumapag ang Japanese Air Force One sa Davao City International Airport at saka ito dumiretso sa Marco Polo Hotel.
Ngayong umaga, tutulak si Abe sa tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Doña Luisa Subdivision kung saan, sabay silang mag-aalmusal.
Matapos nito, makikipag-pulong naman ang Japanese Prime Minsiter sa ilang negosyante sa Davao City at dadaluhan ang isang ceremonial eagle naming bago tumulak pabalik ng Japan.
Kaugnay nito, patuloy pa rin ang pagpapaigting ng seguridad sa Davao City kung saan nakaalerto na ang daan-daang pulis para sa kaligtasan ng mga bisita.
Mahigpit na rin ang ipinatutupad na seguridad sa bahay ni Pangulong Duterte kung saan nakapalibot na ang mga pulis ng Task Force Davao.
By Jaymark Dagala |Reports from: Aileen Taliping and Jandi Esteban