Nakatakdang bumaba sa pwesto si Yoshihide Suga bilang Japanese Prime Minister.
Ito’y matapos niyang i-anunsyo na hindi siya muling tatakbo bilang party leader.
Mababatid na ginawa ni Suga ang hakbang matapo ang pagbaba rin ng kanyang approval ratings bilang isang opisyal.
Kabilang sa mga inirereklamo ng kanyang mga kababayan ay ang usad pagong na vaccination program sa kanilang bansa.
Sa ngayon, ay nasa ilalim pa rin ng state of emergency ang Japan dahil sa patuloy na pagsirit ng kaso ng COVID-19.
Samantala, sa Setyembre 29 ay itinakda ng ruling party na Liberal Democratic Party ang kanilang eleksyon.