Kinumpirma ng Malacañang ang nakatakdang pagbisita sa bansa nina Japanese Emperor Akihito at asawa nitong si Empress Michiko.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Edwin Lacierda, magaganap ang state visit ng dalawang opisyal sa January 26 hanggang 30.
Ang pagbisita ay bilang tugon sa long-standing invitation ni Pangulong Benigno Aquino III sa royal family.
Sinabi ni Lacierda na inaasahan na ang nasabing state visit ay makapagpapalalim pa sa bilateral relations ng dalawang bansa.
By Meann Tanbio