Handang tumulong ang Japan sa mga lugar na napinsala ng Bagyong Paeng sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Japan Foreign Affairs Minister Hayashi Yoshimasa kay Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo nang magpaabot ng pakikiramay sa mga nasalanta ng bagyo.
Hiling naman nito ang mabilis na pagrecover ng mga naapektuhang indibidwal sa naturang bagyo.
Sa inilabas na datos ng NDRRMC, umabot na sa mahigit isandaan ang death toll kay Bagyong Paeng.