Nakahanda si retired Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza na tulungan ang administrasyong Duterte sa pagtugon sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Jardeleza, sakaling may lumapit sa kanyang mula sa pamahalaan nakahanda aniya siyang magbigay ng pananaw at tumulong para maresolba ang usapin sa pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.
Aminado rin si Jardeleza na malabong maresolba ang usapin sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte lalu’t hindi naman aniya maaaring maipatupad ang arbitral ruling laban sa China.
Gayunman, iginiit ng dating mahistrado na malaki pa rin ang naitutulong ng arbitral decision para magbigay linaw sa mga maaaring gawin ng bansa sa usapin ng maritime entitlements.
Dagdag ni Aardeleza, bagama’t ayaw kilalanin ng China ang nabanggit desisyon, hindi pa rin nito maikakailang nagpalabas na ng ruling ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague pabor sa Pilipinas.
Magugunitang, pinangunahan ni Jardeleza ang legal team ng Pilipinas na nakapagpanalo ng arbitral ruling laban sa China noong siya pa ang Solicitor General noong 2014.