Nananatiling pinakamayamang mahistrado ng Korte Suprema si Associate Justice Francis Jardeleza.
Bukod pa dito, si Jardeleza rin ang mayroong pinakamabilis na paglaki ng yaman sa lahat ng mga mahistrado sa High Tribunal.
Batay sa SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net worth ng 15 SC justices, mahigit P5 milyong piso ang inilaki ng yaman ni Jardeleza noong 2015 at pumapalo na sa halos P250 million pesos.
Kumpara sa net worth ni Jardeleza noong 2014 na nasa P245 million pesos.
Ikalawa namang pinakamayamang mahistrado si Associate Justice Mariano del Castillo at ikatlo ang pinakabagong mahistrado na si Associate Justice Benjamin Caguioa.
Samantala, si Associate Justice Marvic Leonen pa rin ang pinakamahirap na mahistrado ng Korte Suprema at halos P167,000 lamang ang itinaas ng kanyang yaman noong 2015.
By Judith Larino