Kinansela na ng gobyerno ang JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees sa CPP-NPA-NDF o Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front.
Ipinadala na ni Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza kina CPP Founder Jose Maria Sison at NDF Peace Panel Chairperson Fidel Agcaoili ang liham na naglalaman ng terminasyon sa JASIG.
Kasunod ito ng pagtalikod ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapang pangkapayapaan at ang kautusan niyang muling dakpin ang mga NDF consultant na pansamantalang pinalaya para makasama sa peace panel.
Matatandaang nilagdaan ng gobyerno at NDF noong 1995 ang JASIG upang matiyak na hindi darakpin ang lahat ng lalahok sa peace talks.
By: Avee Devierte