Masayang inamin ng aktres na si Jasmine Curtis Smith na in a relationship na siya sa isang non-showbiz guy.
Sa isang interview ay sinabi ni Jasmine na officially couple na sila ng surfer na si Jeff Ortega.
Naging usap-usapan ang balita matapos na mag-post ang kapatid nitong si Anne Curtis ng larawan ni Jasmine at ni Ortega na magkasamang nag-celebrate ng 22nd birthday nito kamakailan lang.
Sinabi naman ni Anne na boto siya kay Ortega para sa kapatid.
“Masaya ako. Mabait talaga. Parang nakikilala ko na siya before pa. Tapos nakikita ko kung paano siya um-effort kay Daddy, kay Mommy …cute,” Pahayag ni Anne.
Una nang inamin ni Anne na very vocal siya sa kung ano ang tingin niya sa mga dine-date ng kanyang little sister.
Matatandaang napabalitang hindi boto si Anne sa dating boyfriend ni Jasmine na si Sam Concepcion, na naging dahilan umano ng paghihiwalay ng dalawa.
Ngunit sinabi naman ni Jasmine na walang kinalaman ang kanyang kapatid sa hiwalayan nila ng dating boyfriend.
Photo Credit: Screengrab from jascurtissmith/Instagram