Ipinagmamalaki ni Jason Castro ang narating ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia 2015. Iyan ay kahit pa, natalo sila ng China sa FIBA Asia finals kagabi.
Ayon kay Castro, alam naman nilang kaya nilang talunin ang china at alam din daw yun ng mga chinese players. Pero sadyang malalaki lang talaga ang kanilang naging kalaban at tila nagamit umano ng husto ng China ang kanilang advantage bilang host country, maging ang paggamit umano sa mga referee.
Anya, hindi na masama para sa isang koponan na 2 buwan pa lamang magkakasama, ang makasungkit ng silver medal sa FIBA Asia. Iyan ay kahit pa hindi anya nila nakuha ang mga player na kailangan nila mula sana sa PBA.
Sa ngayon, nais ni Castro na mag tulungan sana ang lahat para sa iisang layunin ng Pilipinas sa susunod na FIBA asia.
By: Jonathan Andal