Nasa bansa ngayon ang American R&B artist na si Jason Derulo.
Ang pagdating ni Derulo sa bansa ay para sa gaganaping concert nito sa Mall of Asia Arena ngayong araw, Mayo 27 kasama ang American DJ/rapper na si Redfoo.
Ito ay bahagi ng world tour ni Derulo para i-promote ang pinakabago nitong album na ‘Everything is 4′.
Nang tanungin kung ano ang dapat asahan ng mga Pinoy fans sa kanyang performance, sinabi nito na ito’y magiging maingay at sigurado aniyang tataas ang energy ng bawat dadalo rito.
Matatandaang una nang bumisita si Derulo sa bansa noong 2010.
Si Derulo ay kilala sa mga hits na ‘Marry Me’, ‘Talk Dirty’, ‘Want to Want Me’, ‘Get Ugly’ at ‘If It Ain’t Love’.
Nasa higit 50 million singles na ang naibenta ni Derulo sa buong mundo na inaabot rin ng milyun-milyong views sa Youtube at Spotify.