Ini-release na ng singer-songwriter na si Jason Hernandez ang panibagong kantang ‘All I Can Do’ limang buwan matapos i-anunsiyo ang hiwalayan nila ng asawang si Moira Dela Torre.
Ang kanta ni Jason ay tila may hugot tungkol sa pagsisisi, pag-amin at pagpaparaya nito sa taong mahal dahil sa isang pagkakamali.
Nitong mayo ay inamin ni Jason ang pagiging “unfaithful” nito sa kay moira sa tatlong taon nilang pagsasama.
Samantala, inulan din ng spekulasyon si Moira nang i-release naman nito ang kantang “Babalik Sayo,” pero ayon sa singer, kanta lamang ito at bawal ang maging marupok. – sa panulat ni Hannah Oledan