Nagsumite na ng resignation bilang Land Transportation Office Chief si Assistant Secretary Jay Art Tugade, epektibo Hunyo 1.
Tinukoy ni Tugade ang pagkaka-iba ng paraan ng pamamahala ang L.T.O. at Department of Transportation.
Nasa kamay na anya ngayon ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagpili ng bagong L.T.O. Chief.
Kumpiyansa naman ang nagbitiw na opisyal na makakami ng liderato ni Secretary Bautista ang hangaring ayusin ang mga sektor ng transportasyon para sa ika-uunlad ng bansa.
Nagbitiw si Tugade sa harap ng mga kinakaharap na kontrobersya ng L.T.O. gaya ng shortage ng driver’s license cards at plaka ng mga sasakyan.
Samantala, tinanggap na ni Secretary Bautista ang resignation ni Tugade.
Pinasalamatan naman ng kalihim si Tugade sa mga ibinahagi nitong pagbabago sa L.T.O. sa loob ng 7 buwang panunungkulan na malaking tulong sa publiko.
Wala pang pangalan na napipisil ang kalihim bilang susunod na LTO Chief, pero magpapasa siya sa Office of the President ng rekomendasyon.