Inakusahan ni Susan Ramsey ang half-sister na si Jaya na pinabayaan nito ang kanilang inang si Elizabeth Ramsey noong nabubuhay pa.
Ayon kay Susan, habang ang kanyang kapatid ay nakatira sa mansyon ay nakatira naman ang kanyang ina sa madumi at bahay na maraming daga.
Galit ring sinabi ni Susan na huwag nang gamitin ni Jaya ang apelyidong Ramsey dahil sa ginawa nitong pagpapabaya sa kanilang ina.
Kaugnay nito, hindi na pinatulan pa ni Jaya ang kanyang ate sa pagsasabing huli na ang lahat para mag-argumento dahil patay na rin ang kanilang ina.
Matatandaang ipinahukay ni Susan ang labi ng kanyang ina upang ilipat sa San Carlos City, Negros Occidental.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from jayasoul / Instagram