Dadalo ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian sa susunod na pagdinig ng House Committee sa Oktubre 10.
Ito may kaugnayan pa rin sa sinasabing talamak na kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison o NBP.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, lulutang na sa nabanggit na imbestigasyon si Sebastian sa darating na Lunes.
Magugunitang hindi nakadalo si Sebastian sa mga nakaraang pagdinig dahil sa mga tinamo nitong sugat sa madugong riot kamakailan sa Building 14 ng Bilibid.
By Jelbert Perdez