Inilipat sa custody ng National Bureau of Investigation o NBI ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nakakatanggap ng banta sa kanyang buhay si Sebastian kayat nagpasya silang ilipat ito sa custody ng NBI.
Hindi nagbigay ng detalye si Aguirre hinggil sa banta sa buhay ni Sebastian subalit ipinag-utos na niya ang imbestigasyon hinggil dito.
Sinabi ni na naging mahigpit ang pagbabantay sa seguridad ni Sebastian nang ibiyahe ito patungo ng NBI.
Si Sebastian ay matatandaang isa sa mga high profile inmates na tumestigo laban kay Senador Leila de Lima sa imbestigasyon ng House of Representatives sa illegal drug trade sa loob ng NBP.
Isa rin si Sebastian sa mga nasugatang preso nang magkaroon ng kaguluhan sa Building 14 ng maximum security compound ng NBP.
By Len Aguirre