Kailangang humarap sa House Committee on Justice si Jaybee Sebastian sa ayaw niya at sa gusto.
Reaksyon ito ni Congressman Reynaldo Umali, Chairman ng komite sa pahayag ng abogado ni Sebastian na tanging sa Pangulong Rodrigo Duterte ito magsasalita ng kanyang mga nalalaman sa illegal drug trade sa loob ng Bilibid.
Ayon kay Umali, bukas rin silang kunin ang testimonya ni Sebastian sa ospital kung kinakailangan.
Matatandaan na si Sebastian ay nasugatan sa naganap na riot sa maximum prison cell sa New Bilibid Prison (NBP).
Bahagi ng pahayag ni Congressman Reynaldo Umali
Now in stable condition
Samantala, stable na ang kondisyon ni Jaybee Sebastian na nananatiling naka-confine sa Muntinlupa Medical Center matapos masaksak sa dibdib sa naganap na riot sa NBP o New Bilibid Prison.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Atty. Eduardo Arriba, abogado ni Sebastian kayat hindi na rin nila aniya iginiit ang unang nais na mailipat ang kanyang kliyente sa ibang ospital.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Eduardo Arriba, Legal Counsel ni Jaybee Sebastian
Sinabi ni Arriba na igigiit nilang mailipat ng ibang lugar sa NBP si Sebastian dahil mas lalong nanganganib ang buhay nito kapag ibinalik pa sa building 14 ng national penitentiary.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Eduardo Arriba, Legal Counsel ni Jaybee Sebastian
Security
Seguridad ni Jaybee Sebastian.
Ito ayon kay Atty. Arriba, ang pangunahing kunsiderasyon nila kayat nagpasya ang kliyente niyang tanging sa Pangulong Rodrigo Duterte lamang maglalabas ng mga impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug trade sa NBP o New Bilibid Prison.
Sinabi sa DWIZ ni Arriba na kung haharap sa house hearing si Sebastian, lalong manganganib ang buhay nito dahil tiyak na marami itong mababanggit na pangalang dawit sa NBP drug trade.
Wala pa aniya silang feedback na nakukuha mula sa gobyerno matapos ianunsyong tanging kay Duterte lamang ito haharap at magsasalita.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Eduardo Arriba, Legal Counsel ni Jaybee Sebastian
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas | Judith Larino | Karambola