Ibinunyag ng New Bilibid Prison (NBP) inmate na si Jaybee Sebastian ang 10 milyong pisong ibinigay niya kay dating Justice Secretary ngayo’y Senador Leila de Lima para sa kampanya nito sa nakalipas na eleksyon.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Justice and Human Rights Committee, sinabi ni Sebastian na kabuuang 8 milyong piso ang naiabot niya kay Joenel Sanchez, ang PSG member na aide ni De Lima at ang 2 milyong piso ay iniwan niya sa tanggapan ni dating Bureau of Corrections Chief Franklin Bucayu na ang pagkakaintindi niya ay si De Lima na ang kukuha dahil hindi nito kasama si Sanchez noong mga panahong iyan.
Sa pagtatanong ni Kabayan Partylist Representative Harry Roque, ipinabatid ni Sebastian na ang mga naturang pera ay nanggaling lahat sa operasyon ng illegal drugs sa loob ng NBP.
Tinig nina Kabayan Partylist Representative Harry Roque at NBP high profile inmate Jaybee Sebastian
Illegal drug trade
Ang NBP high profile inmate na si Jaybee Sebastian ang sinisisi ng iba pang preso sa maximum security compound sa pagkakabunyag ng mga kalokohan umano sa National Penitentiary.
Ito ayon kay Sebastian ang paniniwala niya kayat idinidiin siya sa kalakaran ng droga sa NBP ng mga naunang NBP inmates na humarap sa pagdinig ng House Committee on Justice and Human Rights.
Sa pagtatanong ni Kabayan Partylist Representative Harry Roque, sinabi ni Sebastian na hindi na rin siya magtataka kung ang lahat ng mga bilanggo sa NBP ay idiin siya lalo na sa bentahan ng iligal na droga rito.
Tinig nina Kabayan Partylist Representative Harry Roque at NBP high profile inmate Jaybee Sebastian
Imposible din umano na mapilit ni NBP high profile inmate Jaybee Sebastian na magbenta ng droga para sa kampanya ni Senador Leila de Lima ang mga detainee sa Building 14 ng maximum security compound.
Sinabi ni Sebastian na bago pa siya dumating sa NBP ay nadatnan na niya ang bentahan ng droga sa loob ng NBP partikular ng isang German Agojo.
Tinig nina Kabayan Partylist Representative Harry Roque at NBP high profile inmate Jaybee Sebastian
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)