Sinakyan ng komedyanteng si Jayson Gainza ang biro ng mga netizen matapos iugnay sakaniya ang hiwalayan ng singer na si Moira Dela Torre at asawang si Jason Hernandez.
Sa post ng komidyante sa kaniyang Instagram account, kaniyang ini-repost ang ginawang video ng isang netizen na sinisisi siya dahil sa hiwalayan nina Moira at asawang si Jason.
Ayon kay Gainza, hindi siya ang tinutukoy sa isyu at nadadamay lamang silang matitino na Jayson.
Sinundan pa ito ni Jayson ng isa pang post kung saan, ipinakita niya ang larawang kasama si Moi Marcampo na personal assistant ni Piolo Pascual na may caption na “Moi kapit lang tayo wag tayong bibitaw.”
Umani naman ito ng ibat-ibang reaksiyon na nagpangiti sa mga netizen.
Ang naturang larawan ay ni-repost din ni Moi na kumalat naman sa social media at ginawang meme ng mga netizen kaugnay sa paghihiwalay nina Moira at Jason.