Tila mabilis makalimot si Senador Grace Poe.
Reaksyon ito ni Atty. Jayvee Bautista, Spokesman ni Vice President Jejomar Binay makaraang bumuwelta si Senador Poe sa pahayag ni Binay na kailangan ang karanasan upang maging lider ng bansa.
Ayon kay Bautista, tila nalimutan na ni Poe ang ibinigay na suporta noon ni VP Binay sa yumao niyang ama na si Fernando Poe Jr.
Sa dinami-dami aniya ng mga pulitikong nakadikit noon kay FPJ, si Binay ang personal niyang pinili para maging general campaign manager noong 2004 Presidential elections.
“Baka naman malapastangan ang magandang alaala ni FPJ, kasi noong panahon na yun, nung lumaban si FPJ, kami po ang lumaban para sa kanya, kami po yung mga nasa minorya ngayon, pero ang mga nag-insulto po sa tatay niya eh andiyan ngayon sa Liberal, ayan po sina Butch Abad, sina Kiko Pangilinan, sina Mar Roxas.” Pahayag ni Bautista.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit