Itinakda na ng Judicial and Bar Council (JBC) sa September 6 ang public panel interview sa mga kandidato para sa dalawang bakanteng posisyon sa Korte Suprema.
Kasunod na rin ito nang pagre-retiro nina Associate Justice Francis Jardeleza sa September 26 at Senior Associate Justice Antonio Carpio sa October 26.
Kabilang sa mga sasalang sa public interview sina Sandiganbayan Associate Justices Alex Quiroz, Amparo Cabotaje-Tang at Efren Dela Cruz.
Bukod pa ito kina Carlos Espero, Samuel Gaerlan, Oscar Herrera, Edgardo Lloren, Edwin Sorongon at Manuel Antonio Teehankee.
Ang public interview ay gagawin din sa September 9 hanggang 11 sa division hearing room sa main building ng High Tribunal.