Nilinaw ng Judicial and Bar Council na hindi pa sila tumatanggap ng aplikasyon at nominasyon para sa pagka-punong mahistrado.
Ito’y sa kabila ng kautusan ng Supreme Court na simulan na ang nomination process para sa susunod na Chief Justice.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, Ex-Officio member ng J.B.C., hihintayin na lamang muna ng mga miyembro ng konseho na isapinal ng Supreme Court ang pasya nito sa Quo warranto Petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Kasalukyang pinamumunuan ang J.B.C. nina Senior Associate Justice at acting Chief Justice Antonio Carpio kasama sina Ex-Officio Member Justice Secretary Menardo Guevarra, Senator Richard Gordon at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.