Wala pang natatanggap na aplikasyon ang Judicial and Bar Council o JBC para sa susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Halos isang buwan na simula nang opisyal nang ideklarang bakante ang posisyon ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Atty. Jose Mejia, miyembro ng JBC, maging ang limang awtomatikong nominadong mga senior members ng Korte Suprema ay hindi pa rin nagpapadala ng notification kung kanilang tatanggapin ang nominasyon o hindi.
Aniya, kinakailangan pa rin na magpadala ng kanilang intensyon sina Acting Chief Justice Antonio Carpio, Associate Justices Presbetero Velasco Jr., Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta at Lucas Bersamin bago matapos ang itinakdang deadline sa Hulyo 25.
Sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kailangan pang iresolba ang panukalang bagong personal data sheet na gagamitin para sa aplikasyon ng Chief Justice kung saan lalagyan ng waiver para sa bank accounts confidentiality rule.
—-