Sa mga nais matuto ng mga praktikal na learning tips mula sa sikat na ABS-CBN Star Magic talent na si JC Alcantara, samahan siya sa This isKwela “Study With Me” Facebook livestream bukas, September 16, bandang 7:00 ng gabi.
Nabatid na isa itong online education FB community ng Globe kung saan kahit ano pang edad ay maaaring matuto at maka-diskubre ng mga mura, accessible, at ligtas na oportunidad para makamit ang mga pangarap sa buhay.
Sinasabing kasama ito sa suporta ng telco sa United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 4 na nagsisiguro ng inklusibo at patas na kalidad ng edukasyon at nagtataguyod ng panghabambuhay na pagkakataon sa pag-aaral para sa lahat.
Nag-iimbita ang This isKwela ng mga eksperto at celebrities para magbahagi ng kanilang kaalaman at karanasan para mas maging nakaeengganyo.
Matatandaan na ang unang matagumpay na “Study With Me” class ay pinangunahan ni GMA talent Arianne Bautista.
Sa pagkakataong ito naman, si JC, kilala bilang si Mico Ramos sa Hello Stranger BL web series at bahagi ng Team Globe of Good, ang makakapiling ng mga gustong matuto, kasama ang This isKwela community resident Group Expert na si Angelo “Sir” Sicat.
Inaasahang tatalakayin nila ang personal branding online at kung paano maging career ang mga interest at passion.
Bukod sa mga praktikal na kaalaman, maaari ring manalo ng bagong smartphones ang mga miyembro ng This isKwela na sasali sa livestream.
Ayon kay Yoly Crisanto, Group Chief Sustainability at Corporate Communications Officer ng Globe, gumagamit sila ng digital technologies gaya ng This isKwela para matulungan ang mga Pinoy na mapaganda ang kanilang online presence at social media account branding.
“Kapaki-pakinabang ito para sa career development at sa paghahanap ng oportunidad sa hanapbuhay. Kasama sa pagpapabuti ng personal online presence ang kaalaman tungkol sa ligtas na interaksyon gamit ang internet at ang pagkakaroon ng isang propesyonal na online footprint,” pahayag ni Crisanto.
Bunga nito, hinihikayat ng Globe, bilang isang malakas na tagapagtaguyod ng de-kalidad na edukasyon at paggamit ng teknolohiya para iangat ang buhay, ang lahat na sumali sa This isKwela FB Community.
Bisitahin ang website ng Globe para sa mga karagdagang kaalaman tungkol dito.