Aminado si Jed Madela na umaasa na lamang siya ngayon sa kanyang savings dahil sa kawalan ng raket dulot ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Madela, nakakadagdag din sa mga problema niya ang pagsasara ng ABS-CBN kung saan siya nagtatrabaho.
Sa kabila nito, kumpiyansa naman ang Kapamilya singer na makakabangon din ang lahat mula sa pagsubok na kinakaharap nila ngayon.