Walang kinalaman sa anumang ilegal na aktibidad sa bansa ang Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
Sinabi ito nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at Philippine National Police (PNP) Chief Director General Ronald dela Rosa sa kanilang pagharap sa pagdinig ng Senado hinggil sa ‘tokhang for ransom’.
Sinabi din ni Choi Kyung-Jin, asawa ni Jee sa pamamagitan ni Krista Kim, Consular Officer mula sa embahada ng South Korea na halos sampung (10) taon nang mayroong pinatatakbong manpower agency si Jee.
By Katrina Valle | Report from Cely Bueno (Patrol 19)
Photo Credit: Senator Ping Lacson / Twitter