Full blast na ang operasyon ng transportasyon sa Lunes, Hunyo 21.
Sa panayam ng DWIZ kay Engineer Bert Suansing, consultant ng Department of Transportation, kasama sa mga papayagang pumasada ang mga traditional jeepneys na pumasa sa Land Transportation Office (LTO).
Ipinaalala ni Suansing na kailangang sundin ng lahat ng uri ng public transportation ang ipinatutupad na health standards tulad ng social distancing, pagkuha ng temperature, at pagsusuot ng mask.
Samantala, tuloy ang phase out ng mga lumang jeepneys upang palitan ang mga ito ng modernong jeepney.
Itinanggi ni Suansing na sinasamantala nila ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic upang hindi na mapabalik sa kalsada ang traditional jeepneys.
Una na anya nilang ini-anunsyo bago pa ang COVID-19 pandemic na mayroon na lamang hanggang Hunyo 30 ang mga traditional jeepney operators upang palitan ito ng modern jeepneys.