Napag-alaman ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board na walang prangkisa ang jeep na sumalpok sa isang Partas bus sa Agoo, La Union na ikinasawi ng 20 katao, noong Pasko.
Ayon kay LTFRB-Region I officer-in-charge, Atty. Anabel Marzan-Nullar, ang jeep ay pag-aari ng isang Ronald Ducusin, empleyado ng San Fernando City Administrator’s Office sa La Union.
Kabuuang tatlong jeep anya ang pag-aari ni Ducusin kung saan dalawa ang may prangkisa pero naglabas ng preventive suspension order ang L.T.F.R.B. para sa dalawang nalalabing sasakyan ng owner.
Samantala, hindi pa nakakausap ni Ducusin ang pamilya ng mga biktima.
Una ng pinatawan ng L.T.F.R.B. ng 30-day preventive suspension order ang pitong bus unit ng Partas matapos mabigo ang bus company na magsumite ng dash cam footage at GPS tracking data ng naganap na salpukan.