Sugatan ang 43 katao matapos mahulog ang kanilang sinasakyan jeepney sa gilid ng kalsada sa San Roque, Enrile, Cagayan.
Napag-alaman na galing sa isang kasalan sa Tumauini, Isabela ang naturang jeep at pauwi na sana sa bayan ng Enrile nang maganap ang aksidente.
Ayon sa tsuper ng jeep, nawalan ng kontrol ang driver ng jeep at nahulog sa gilid ng kalsada.
Agad namang dinala sa pagamutan ang mga sugatang sakay ng jeepney.
Overlading ang nakikitang dahilan ng pagkahulog ng jeep sa bangin na nasa 3-5 feet ang lalim.
Nagpaabot na rin ng agarang tulong ang local government unit ng nasabing bayan para sa medical assistance para sa mga biktima