Patay ang isa, habang sugatan ang 14 na iba pa, sa pagkahulog ng isang jeep sa bangin sa Benguet.
Ayon sa report, galing ng Baguio City ang jeep at nahulog ito sa bangin na sakop ng bayan ng Kapangan.
Sinisisi ng drayber ang madulas na kalsada kaya siya nawalan ng kontrol sa sasakyan.
Naisugod pa sa ospital ang mga biktima ngunit binawian rin ng buhay isa sa ito.